Lunes, Hunyo 3, 2013

Codals and Annotated

    Habang nag cocover ako ng mga codals at libro ko kagabi, meron akong na realize. Bakit ba ako nagpapaka sira at nagpapaka broke sa isang buwan at 14 na araw na relasyon? Kung meron namang magandang future na nag hihintay sa'kin? Siguro it's time for me to let go and move on. Hindi ko dapat damdamin masyado ang ngyari (balewala naman yun sayo di ba?) dahil hindi pa naman ganun katagal. For now, focus muna ako sa work, prepare the things I need to prepare for this semester. Ipapasa ko lahat ng subjects ko. Ipapakita ko sa kanya na kaya kong mag-bait(magpaka bait), yun ang bilin nya sakin. Ipapakita ko sa kanya kung ano iyong itinapon nya not in a negative but in a positive way. 

    I'll keep the memories we have shared. Goodbye for now Ser (armenian term for love). Siguro iisipin ng iba masyadong mabilis samantalang kahapon lang eh nag eemote pa ko. Oo ganun kabilis dahil habang inaayos ko ang mga codals at annotated books ko, muli kong naramdaman yung hirap na pinagdaanan ko maipasa lang ang mga subjects ko,ilang sleepless nights din at ilang araw na memorization para lang makaraos. Hindi ko dapat palagpasin ang opportunities na binibigay sakin ni Lord (sa Law School). Move forward na ako ser, sana pag nagkita tayo kaya na kitang harapin na parang walang ngyari. Salamat sa lahat at mahal pa din kita,hindi yun basta mawawala. Kelangan ko lang tanggapin na tapos na talaga.

Linggo, Hunyo 2, 2013

An open letter

Dear ser,

            Alam ko Masaya ka na ngayon, okey ka na. Today is suppose to be our 2nd monthsary, ang bilis noh? Walang araw na hindi ka nawala sa isip ko,no matter how I kept myself busy at the end of each days that passed I always found myself thinking of you. So many what if’s. Madami pa din ng aasar at malamang hot issue pa din yung satin,mawawala din yun. You hated me that much na ni hindi mo na ko magawang tawagin sa pangalan ko at alam ko hindi na rin ako nag-eexist sa buhay mo.  I know it’s my fault. I wish I could go back on that night, sana wala na lang akong sinabi, sana hindi na lang ako nag aya uminom, sana sinarili ko na lang kung ano man yung prob natin, siguro kung naging mas matured ako nun time na yun, siguro ngayon okey pa tayo. Bumitaw ka ng ganun ka bilis, ni hindi mo man lang ako binigyan ng chance na maipaliwanag ang side ko kung bakit ko nagawa yun. Pinaniwalaan mo lang ang gusto mong paniwalaan. Di ba ang linaw ng usapan natin dati? Anu’t anuman ang prob natin pag-uusapan natin yun, kasi walang hindi nadadaan sa maayos na usapan. Eh kaso hindi ganun yung ngyari.

            Tapos na, babalik ka pa ba? Hati ang nararamdaman ko. Prepared ako kung babalik ka at prepared na rin ako kung hindi na talaga. Salamat dahil kahit papano dumating ka sa buhay ko, salamat dahil kahit saglit naging Masaya ako. Wala akong balak umuwi hanggat di pa ako okey, dahil hindi ko pa kayang Makita ka. Hindi ko pa kayang harapin ka na parang walang ngyari, ikaw kaya mo yun, ang galling mo nga eh. Sabagay, balewala naman yun sayo lahat. It was just a trip or a ride sa’yo di ba?


            I’ve learned a lesson from what happened. As of now, I keep myself busy para kahit papano malibang ako. Life must go on sabi nga. I love you, sounds crazy pero totoo yun. I’ll stay single for now, kasi gusto ko kung sakali man na may dadating pa gusto ko yun na talaga,gusto ko pang matagalan na. Magbabait na ko,yun ang bilin mo di ba. Salamat sa lahat, at sorry din sa mga nasabi ko o nagawa na ikinagalit mo.