Lunes, Hunyo 3, 2013

Codals and Annotated

    Habang nag cocover ako ng mga codals at libro ko kagabi, meron akong na realize. Bakit ba ako nagpapaka sira at nagpapaka broke sa isang buwan at 14 na araw na relasyon? Kung meron namang magandang future na nag hihintay sa'kin? Siguro it's time for me to let go and move on. Hindi ko dapat damdamin masyado ang ngyari (balewala naman yun sayo di ba?) dahil hindi pa naman ganun katagal. For now, focus muna ako sa work, prepare the things I need to prepare for this semester. Ipapasa ko lahat ng subjects ko. Ipapakita ko sa kanya na kaya kong mag-bait(magpaka bait), yun ang bilin nya sakin. Ipapakita ko sa kanya kung ano iyong itinapon nya not in a negative but in a positive way. 

    I'll keep the memories we have shared. Goodbye for now Ser (armenian term for love). Siguro iisipin ng iba masyadong mabilis samantalang kahapon lang eh nag eemote pa ko. Oo ganun kabilis dahil habang inaayos ko ang mga codals at annotated books ko, muli kong naramdaman yung hirap na pinagdaanan ko maipasa lang ang mga subjects ko,ilang sleepless nights din at ilang araw na memorization para lang makaraos. Hindi ko dapat palagpasin ang opportunities na binibigay sakin ni Lord (sa Law School). Move forward na ako ser, sana pag nagkita tayo kaya na kitang harapin na parang walang ngyari. Salamat sa lahat at mahal pa din kita,hindi yun basta mawawala. Kelangan ko lang tanggapin na tapos na talaga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento